Genesis 25:12-16

Ang mga Angkan ni Ishmael

(1 Cro. 1:28-31)

12Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Ishmael na anak ni Abraham kay Hagar na Egipcio, na alipin ni Sara.

13Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ishmael mula sa pinakamatanda: Nebayot, Kedar, Adbeel, Mibsam, 14Mishma, Duma, Masa, 15Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedema. 16Sila ang mga anak ni Ishmael at naging pinuno ng 12 niyang angkan. Ang mga pangalan nila ay ang ipinangalan sa ibaŹ¼t ibang lugar na kanilang tinitirhan.

Copyright information for TglASD